Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Jan 23, 2007 11:56:24 GMT 7
[glow=pink,2,300]^^^Welcome to my Diary thread!^^^[/glow]
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Feb 2, 2007 11:14:13 GMT 7
Hello diary! start of the week, grabeh sa work sobrang busy. Pero as usual pa rin, work pa rin. Pero eto ang di ko inasahang nangyari this week. Na-ospital ang mother ng (before) guy-friend ko at officemate, ngangailangan ng dugo ang mom nya na type AB+, sinabi ko na ang blood type ko ay AB+, despite the gap that we had before, binalewala ko yun dahil buhay na ng isang tao ang nakataya. may mayoma un mom nya, ang akala naman ng mga officemates ko eh medyo nagdadalawang isip ako mag donate dahil sa gap namin ng guy nato, pero ang totoo takot lng tlga ako sa injection/syringe. kahit na sobrang lamig na ng kamay ko sa takot eh tumuloy pa rin kami sa red cross para ma-check kung ok ako mag donate ng dugo. unfortunately, di pala ako pede kc malapit nako magkaron. ang possible kasi na mangyayari kung magdodonate ako and after ko mag donate eh nagkaroon ako eh anemic nako. Pero i was willing to face my fear para makatulong. Pero atleast nlng i tried to help. nagulat na lang nga sister ko nun tinawagan ko sya para magtanong kung ok lng kaya magdonate ako, na shock nalng sya at sinabi na anemic pa nga raw ako tpos magdodonate ako. pati mother ko nagulat. pero e-chcheck naman nila kung qualified ako magdonate. hay. ito na muna maisusulat ko. bye.
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Feb 9, 2007 15:34:02 GMT 7
ohhh. grabeh! parang ang bilis tumakbo ng araw, parang kailan eh sabado tpos bukas sabado na ulit. anyway, eto at kakarating ko lang galing ng pier. grabeh sobrang init. well, we were just curious about how big the M/S ALBATROS cruise ship is. Feeling ko lang na lucky tlga kame dito sa Zamboanga at sa 2 places na madadaungan at papasyalan ng barko na lulan ang may higit 500 na tourista sa Pilipinas ay ang Manila at Zamboanga ang napili nila. Galing nga raw pala ng Taipei ang barko at pagkatapos dito ay sa Manila na daw. Well, which just proves that they trust our place and that just goes to show that our place is safe. Kasi naman, ilang beses ko na rin pinagtatanggol ang Zamboanga sa tuwing malalaman na taga dito ako ay lagi na lang tanong na "DI BA NAKAKATAKOT DYAN?". Mabalik nga sa kwento ko, ayun so nakita nga namin ng medyo malapitan lng naman ang cruise ship na yun. Pumunta kami sa isang barko na naka-dock malapit sa barkong yun at hiniram nga namin ang telescope at bongga tlga ako cruise... may mga foreigner na naka 2 piece at karamihan pala ng turista ay mga europeans at medyo mga may edad na. Pero may mga gwapong medyo late 30's na mga crew at may pinoy dingTantsa nga namin eh yun ay mga retired na sa trabaho at nagtotour na lang. Sarap siguro nun. Sana makasakay rin ako sa future ng cruise ship tulad ng Star Cruise. Hahay. Nagpa-picture nalang ako sa celphone na nasa likod ko na lang ang M/S Albatros. hehehe... atleast. Sa office naman, nagsimula na naman kami ng mga plano kung saan naman ang next trip namin. Sa March daw sa Pagadian, sa molave, isang natural cold spring pool ata meron dun. Naka punta naman ako ng Pagadian, pero di namin napuntahan nun panahon na yun ang place na yun sa Pagadian. Pero di pa ako sigurado kung makakasama nga ako next month, kasi mukhang wala akong budget na makasama. Pero ok lng kung hindi man, manonood na lang siguro ako ng concert ng Side A at freestyle dito kung sakali. Ngayong Sunday naman eh pupunta kami ng Isabela Basilan, ilang oras lang naman ang stay namin dun kasi 1 oras ang byahe sa barko tapos siguro mga 6 hours ang stay namin dun. Hahay, may pupuntahan na naman kame.. yehey!
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Feb 15, 2007 16:50:26 GMT 7
Heto na nga at may pinuntahan na naman akong bagong lugar. Linggo ng umaga ang alis ng barkong sakay namin papuntang Isabela Basilan. Kala ko pa nga nun sabado pa lang eh di ako makakasama, dahil nga sa sobrang maaga ang alis ng barko (7am) at linggo pa talga... usually naman kasi pag sunday eh mga 10 or 11 nako nagigising. Pero syempre bagong lugar na nanaman at alam ko rin kasing mag-eenjoy ako dun so pinilit ko nga talgang gumising ng maaga. First time ko dun kaya nga excited din. Isang oras din ang byahe sa barko.. hay nag sight seeing na rin ako on the way. Masaya naman ang ilang oras na pamamalagi namin sa farmland resort doon sa Basilan. Nag videoke, kainan, swimming at syempre di mawawala ang picture taking. Maganda din kasi talga ang resort.
Kahapon naman Valentines day. Syempre ika ka nila "love is in the air". Isa sa mga officemates ko may na-receive na bouquet of roses. Bigla ko lang naalala nun last year nasa firing squad ako.. haha (on the rocks na kasi relationship ko that time plus the fact na nasa Manila pa sya). Anyway, uwian na nun .. then suddenly this special someone (not officially my bf again yet) texted me at sabi eh baba daw ako sandali from the office. Na shock na lang nga ako kasi binigyan nya ko ng bouquet of red roses na may heart shaped balloon at tiny pillow (na may writtings na happy valentines day). Hay, syempre na touch ako at talgang nasiyahan. *blushing*. And yes, nag dinner kame... maganda na nga sana ang gabi.. pero grabe yun restaurant na pinuntahan namin.. masarap naman yun food. Ang problema... hihingin na lang namin ang bill eh umaabot pa ng lagpas 30 minutes... sabi ko nga kung loko2x lng tlga kami tatakasan na lang namin yun restaurant sa tagal. Pero ok lng din... nagkaroon pa kami ng extra time pa para makapag-usap... romantic din yun resto kahit syempre jampacked dahil nga sa vday. My live music with piano.. hay.. basta maganda ang valentines day ko. hihihi.
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Feb 23, 2007 12:41:44 GMT 7
i'm so depressed right now. Just this morning while getting ready for work i was trying to hide my tears, just to hide what i feel and hide my weakness about certain issues at home with regards to finance. With all this graduation fee, tuition fee and also add up that call i got from HSBC reminding me of my due date payment for my credit card *sigh*. Well, thinking i really have the budget for all this right now but the time is pressuring me. Need to pay this and that before this date. Plus the fact that it's already been one week that i have this headache every now and then. Maybe it's also because of my crosstitching... see i'm doing this project of my little brother and because i'm so excited to see the finished product i've been working on it up 'till 1 am. Anyway, i'm done with it just last night. hehehe. Maybe because of my lack of sleep plus crosstitch and too much thinking caused me this headache. Well, i'm just glad someone is there for me. I'm still lookin on the brighter side of life. *smiles*
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Mar 2, 2007 15:49:26 GMT 7
Sa totoo lng wala talga akong ganang magsulat ng anything ngayon dito sa diary ko. singit na lang nga talga tong sinusulat ko ngayon eh sa dami ba naman ng dapat kong gawin dito sa work. Hay, ayoko nman magka EP. Anyway, malapit naman din ang uwian. So ok na siguro. All i thought this week would be a relaxed week for me at work.. just a bit relaxed though. But, i'm so much fed up at work that i want to leave from work even just for a week or two. But my plan for a vacation leave would still be on July this year... supposed nga sana eh sa May pero prang di pa ko pede kasi nga ala pa budget. Imagine after 5 years ko sa work saka ko lang talga naisip na mag vacation leave. although my right kami na mag leave pero ako lang ang may ayaw kasi nga nanghihinayang din ako sa araw na masasayang na wlang sahod. Pero i was thinking this time pede na siguro tutal ggraduate na sister ko sa nursing... hay salamat. Grabeh ang gastos.. pero ok lng. Kahit mahirap pero nakayanan naman. My plan is fixed for july, i might be in Manila for 1 or 2 weeks, i'm just not sure. sana lang matuloy, if i have enough budget i'd like to go to boracay... but of course i need some companion. But i just think it's not yet possible for this year... who knows maybe next year. WHoa!!! Bukas na nga pla ang concert ng SIDE A at FREESTYLE. Hay, di nako bibili ng ticket para manood. Ang hirap tlga ng walang pera. May mga bayarin pa kasi. Hay, hilig ko pa naman talga ang pumunta sa mga concerts... iba kasi talga ang feeling ng andun ka talga... just the feel of it that your really listening to it live. hahay. That's life.
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Mar 9, 2007 15:20:30 GMT 7
It's been already weeks na lagi nlng sumasakit ulo ko... at ayun nga nagkasakit nga tlga ako kahapon... di ako sanay na nagkakasakit, pero siguro tuluyan ng bumigay katawan ko, overwork siguro... stressed na masyado. pero ok na ako ngayon... feeling ko nga di sapat ang 1 araw na pahinga ko... gusto kong magbakasyon pero di pa ito ang plano ko.. hindi pa ngayon. ggraduate na nga pala kapatid ko sa march 25 tapos pinning pa pla nya sa 21 naman. hay salamat. nabayaran na rin namin ang pang 2nd sem nya. this is it! sana lng talga makapasa sister ko sa board exam. Yun kapatid ko nga pla lalaki si arthur tumakbo syang councilor sa school at ayun swerte nga at nanalo pero di naman ako magtataka kung mananalo sya kasi alam ko talgang palakaibigan ang kapatid kong yun. Ma-PR. ang sa totoo lng na kinagulat namin ay sya pala ang nag #1 sa councilor at mas mataas pa pla ang boto nya sa nanalong mayor sa school nila.... next school year eh grade 6 na sya. proud lng tlga ako sa mga kapatid ko. ang iniisip ko nlng ngayon eh kung ano ang ipang-ttreat ko sa grad ng sis ko. may plan na ko... ang tanong.. may pera kaya ako by that time eh kakabayad ko lng nga ng graduation fee at tuition. tignan ko nlng kung magagamit ko credit card ko. chow nlng siguro sa resto. hay basta pagmakaluwag na eh next plan ko ang pagpapa ayos ng bahay. sana lng talga.
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Mar 17, 2007 11:03:01 GMT 7
my week. well my week started off with a lots of work to do at the office. as in! by wednesday i had so much fun after work when my friend celebrated her birthday, of course kainan na naman yun tpos kantahan to the max, late na nga kami nakauwi that time kasi for a wednesday night tlgang late na yun para sa amin kasi nga may work pa the next day. kaya nga medyo puyat ako by thursday pagpasok sa work. this week pa lng nga pla iniisip ko na kung anong susuotin ko for the next weeks occasions. medyo busy ata ako sa pag attend ng mga occasions eh. sa 21, pinning ng sister ko, syempre dapat andun ako, official photographer ata role ko. haha. tpos sa 24 naman may nag invite sa akin for a celebration for the graduation of a friend sa isang semi formal na handa. tpos sa 25 graduation ng sister ko. hay at last. tpos sa 28 naman wedding ng friend ko na guy na ka-buddy ko na rin. grabeh ikakasal na tlaga sya, at engrande talga ang wedding, imagine 300 guests ata ang invitated eh, only child din kasi. yun nga lang too bad i can't attend the main ceremony sa cathedral because of my work. i'll be heading off to the reception right away. syang at di ko makikitang maglakad yun sa aile ng simbahan... sinabihan ko talga yun na magtino na after nya makasal at wag na babaero. anyway, problema ko pa mga pang gift sa mga yun. hahays. wala na naman pera. ubos na naman. dito nlng muna. basta happy ako, i've got a special someone with me. but were not committed yet, just enjoying each others company.
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Mar 24, 2007 16:58:43 GMT 7
what a week! last wednesday pinning ng sister ko. syempre proud talga ako. may point pa nga that time na medyo prang gusto ko ng maluha nun sinabihan silang harapin ang mga parents habang kinakanta ang kantang "Thank you". nakaka-touch lng din kasi ang song superrrr gusto ko nga umiyak nun, mababa pa tlga ang luha ko. na touch lng din tlga ako kasi tumulong din ako sa parents ko sa pagsuporta sa pag-aaral ng sister ko. happy din ako kasi muli kaming nagkita ng pinaka friend ko nun college na si melissa... bunso ang tawag nya sa akin..super na miss ko sya at yung buong barkada nun college. sana nga magka samasama kaming lahat ulit. bukas na ang graduation ng sister ko. sana lng pag-take nya ng board exam eh pumasa sya at wala ng anumalya sa prc. malas tlga ng batch ng last year. nakaka-awa ang mga inosente. anyway dito nlng muna.
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Mar 29, 2007 10:08:19 GMT 7
prang masyado atang nakakapagod itong week na to. ang dami ko rin kasing occasions na na-attend eh. nun sunday nga lng eh graduation ng kapatid ko. nakakapagod kasi naman prang ako yun naging official photographer ng sister ko. Pero ok lng kasi hilig ko naman din talga yun pagpicture. buti na lng nga at digital cam gamit ko, hiniram ko sa special someone ko. sa katangahan ko lng din eh nun tatawagin na kapatid ko para kumuha ng diploma eh e-vivideo ko sya tpos nakalimutan kong pindutin ang record, napindot ko tuloy nun apelyido nlng nya ang sinabi, di nakasama ang pagbanggit sa first name nya sa video. ayun na nga, 1:30pm na kami umalis ng gym considering di pa kami nakapag-almusal lahat so gutom na nga kami. late na rin kasi nagstart ang ceremony tapos picture2x pa pagkatapos. so super gutom na kami, lalo na ako kasi nga di ako nakapag almusal. ako na lang nagtreat sa kanila after ng graduation, dahil nga sa gutom na talga ako eh sabi ko sa fastfood na lng para mabilis at makatipid na rin ako. syempre ako gagastos eh, so sa jolibee kami kumain. tpos picture2x ulit. Then pagka-uwi namin nagpahinga lng ng sandali at diretso naman kami ng sister ko at napapicture sa studio ng naka toga sya. The next day naman may na-attend pa ako ng graduation celebration ng isang kaibigan. kainan na naman. di ko tuloy magawang mag diet ng konti. hay.
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Mar 31, 2007 13:50:29 GMT 7
thursday night unexpected na may aattend ako na graduation celebration ng pinsan ng SF(special friend) ko. actually prang kami na pero hindi pa. ex-bf ko tinutukoy ko. di talga sya nag give-up and still holds on last year pa. pero in good terms na kami at getting along well and going out and enjoying each others company. ang daming and. but we're not yet official. it's not official yet. i'm still thinking about it. tutal masaya pa ako kung sa anong meron kami. anyway back sa kwento ko talga. yun na nga pumunta kami dun at andun nga un mga kamag-anak nya. dami nga nakakakilala sa akin kasi we've been together for 5 1/2 years. just last year lang nagkanda labo2x. may nagtanong na lang sa amin kung kailan kami magpapakasal. nyah.. ayoko nga. ayoko magpasakal. tumahimik lng kami. kakahiya. sobra. pero ok lang. nabusog naman ako sa pagkain.
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Apr 3, 2007 12:02:50 GMT 7
here i am again. sharing my sentiments this time. kagabi lang may pinuntahan kaming graduation celebration, ininvite kasi ako ng family ng SF ko. unexpected tlga at di ko inaasahan na yun ppuntahan pla namin ay malapit lang talga sa bahay ng stupid guy na dating close buddy ko. nakita ko nga motor nya na nakapark that time nun dumaan kami. but anyway, i don't care about him anymore... naiinis lng tlga ako. so far nag enjoy naman ako kasi ka-kwentuhan ko mga cousins ni SF. bukas na ang planong pag-alis papuntang Bongao, pinayagan na ako na sumama, pero this time ako na ang nagdadalawang isip na sumama. bukas ng gabi ang alis dito ng barko. di ako sure na sasama ako kasi nga naiinis ako kasi sasama ang ex-friend ko (remember that girl i talked about na super pretentious at flirt). kaka-bad trip talga. i know some may think that i am over reacting. pero tlgang di ko kayang makipag plastikan specially sa taong yun, the nerves and considering na di na nga sya talga actually part ng company kasi nga nag resign na sya tapos sasama-sama pa sya. and they (my officemates) know what my reason would be kung hindi man ako sasama. i don't even care, totoo naman yun. she's the main reason why i will not come with them tomorrow. ayoko lng ng mabigat sa loob ko. kahit na sinabihan ako ng isang kaibigan ko na ma-oop lng naman daw sya just like the last time na sumama sya nun pumunta kami ng Basilan. Pero ewan ko ba, it's ok lng naman kung di rin ako sasama, i will just spend my holy week here sa zambo with my family, atleast i am sure i am happy with them. I know naman it's holy week, that's why baka iwas inis nlng ako. sorry but i still can't forget what that girl brought out to my life. i regret meeting that wrong type of person. i will think about it later tonight and come up with my final decision tomorrow. if i am going or not.
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Apr 10, 2007 13:56:36 GMT 7
Last week was the holy week. And i've made my final decision of not coming with my friends/officemates on a travel to Bongao. I've stated my reason on why i decided to stay. I appreciated the advice of a friend not to mind about some things at sumama at mag-enjoy. Pero naisip ko na rin tlga na magpa-iwan nlng. No regrets naman. anyway naman eh nakapunta nako dun twice na. exactly din naman last year eh prang nagpenetensya nko dun by climbing/hiking the bongao peak. But i'm glad i stayed and atleast spend my holy week with my family. grabeh, halos kain at tulog ata ginawa ko sa bahay for that 2 days rest from work. yeah, 2 days lng. balik trabaho ako by saturday. friday dawn nga pla we went to abong2x pra mag 14 station at pumunta sa tuktok ng cruz mayor. prang penetensya na nga yun papunta pa lang kami dun. super nakakapagod. but when we reached on the peak of it, ang lamig at ang ganda ng view. overlooking Zamboanga city. Ang dami kong inisip that time na nagpapahinga kami sa taas. Naisip ko rin ulit ang di ko pagsama sa Bongao. Alam ko kasi na yun ibang di makakaintindi sa akin ay mag-iisip na over-reacting ako on something. Di lang tlga madali ang magpatawad, lalo na ang makalimot. Forgiveness. Di ko alam, siguro nga i keep some grudges. pero di rin ako masisi. It's really easy for some people to say "forgive and forget". such a crap. I don't know lng. Maybe time can tell when will i forgive those cruel and insensitive people who left a scar on my life. Talgang mahirap para sa akin because some people don't really know what i've been through and i can't put it into words. Kahit gaano ko pa e-explain di talga ma-gets ng ibang tao dahil hindi nila naranasan yun napagdaanan ko. Hay, nagddrama na naman ako. Well, basta easter sunday we attended the mass early morning. Then thinking yesterday i'm back to work again kahit holiday. That's life. yun lng muna. Ang gulo ko na.
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Apr 19, 2007 8:10:21 GMT 7
grabeh... sa ngayon inaantok ako kahit ang dami kong work na gagawin. ilang araw din akong di ganon ka busy kasi wala ang boss ko at di masyadong marami ang naiwan na gagawin. ngayon andito na boss ko, tumambak na naman ang mga dapat e-scan. hay. nagkita nga pla kami ng naging classmate ko noon sa high school, nagulat sya nun nakita ako biglang sinabi pa nya na tumaba daw ako. hay, talgang tumaba nga ako. naging hobby ba naman ang eating, eh pano akong di tataba. tapos madalas ang date pa namin ni special someone ko eh sa restaurants dito sa zamboanga. syempre kain na naman. pero mamaya aalis na sya. more than 3 months din sya nag stay dito just to try to win my heart back again. naks, deep. Pero kailangan na din kasi sya dun for work, kaya aalis na sya. pero ok na talga kami. happy naman ako nun nag stay sya for how many months din dito. ma-mimiss ko rin sya, wala na akong kakulitan. last saturday lang may pinuntahan kaming restaurant by the beach. sayang lang talaga at di namin naabutan ang sunset. medyo may kalayuan din kasi yun pero maganda ang beach resto na yun. yummy din tlaga ang food. super nag enjoy din ako sa picture session namin. ha, marami kasing magandang view dun, sayang nga lang at gabi na kami pumunta dun at wla na rin yun kalesa dun. but it was unforgettable.
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Apr 21, 2007 9:24:38 GMT 7
I have really nothing much to share about. Siguro lang sa unang araw na wala sya dito after 3 monthS na nagstay sya at sinusundo ako after work. Prang nasanay lang ako na my nagpapa ngiti sa akin sa tuwing may problema ako. Na miss ko rin yun paghahanap namin ng restaurant or lugar na makakainan at madalas na kung wala na kaming maisip puntahan ay sa jollibee bagsak namin. I just miss those stuffs. Pero naisip ko rin na ok din yun, nakakatawa man isipin pero desidido na rin akong magpapayat, well actually di naman talga as in mag-diet kasi di naman ako ganun kataba, poste nga lang daw. For 3 months din kasi super din appetite ko, super takaw ko, tapos di pa ako nag-eexercise. That time din kasi na andito sya eh lagi kaming kumakain sa labas at sobra sobra pa. Naisip ko lng na di na rin halos magkasya ibang damit ko sa akin, tlgang babawasan ko na rice ko..hihi. mag-exercise ako, kahapon lang nag skipping rope ako at masakit paa ko ngayon dahil siguro sa naninibago pa lang. Super late nako nakatulog, nanood pako ng pbb uplate at super late naman ako sa work ngayon. ngayon lang ata ako na late after 1 month. I'm trying to have a new life, a more optimistic outlook. ewan ko ba, basta pipilitin ko sa lahat ng aspects. Sinabi ko na kasi tlga sa sarili ko that i'll try my best to fix my life and outlook this year. I've learned so much from last year i want to make things right this year. As much as possible.
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Apr 24, 2007 15:22:02 GMT 7
Sunday nasa bahay lang, nagrerelax from all days work. Start na naman ako ng exercise at desperate ng magpasesy, haha. di naman sexy actually, tummy ko lng medyo di na flat. just did some crunching, nabasa ko lng din kasi sa isang magazine isang routing or 3 routines pla yun na flat abs fast ang tawag. super stay lang ako sa bahay at tlgang di umalis kahit bumili lang ng something sa tindahan ay inutusan ko pa kapatid ko. But i cooked for dinner na matagal ko na rin di nagagawa. As usual 11am na naman ako nagising, syempre sunday naman. Nanood ako kinagabihan ng pinoy meets world, no choice ako kasi naman sa ABS boxing special naman ang pinakita eh wala naman akong interest dun. Feature sa pinoy meets world ang Australia, hay sarap mamasyal. SUper like ko ang pag travel kahit na around the region lang ako nakapamasyal at nakapag travel pero ok naman, pero syempre i want to explore more places, kahit di na out of the country ok na rin kahit around Philippines lang. Pero syempre may plan nako, pag-iipunan ko pa nga lang. Sana lang tlga matuloy.
|
|