|
Post by BBKuya Germs on Jan 30, 2007 12:24:01 GMT 7
Post your most embarrassing moment at dalawang gawa-gawang/made-up embarrassing moments. Must be detailed.
Huwag i-rereveal kung alin ang 1 totoo at 2 gawa-gawa lang, i-PM sa akin via this board.
One post per VH. Deadline is on Friday.
|
|
Stephanie
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"Life is'nt about being fair... it's about surpassing the unfair reality!"
Posts: 1,277
|
Post by Stephanie on Feb 2, 2007 8:57:13 GMT 7
Try to detect which one of these three situations happened to be my real embarrassing moment:
Situation #1
me and a friend of mine went to the mall. then, pumasok kami sa isang boutique at nagtititingin ng kung anu-ano man... medyo naka back-to-back kame nun.. then i held her hand leading our way to the exit door... tpos to my shock i discovered na sa pagkalabas ko.. di pala kamay ng friend ko ang nahawak ko! di naman nagreklamo ang nahawakan ko ng kamay... and considering guy pa tlga! nag smile nlng sya.. ayun namula ako at yun friend ko naman eh tumawa ng tumawa nlng!
Situation #2
While walking on a busy street. This bag displayed over a boutique catch my attention. Pumasok ako sa boutique na yun at titignan ko sana ang price ng bag.. inuna ko na sanang hawakan pero i leaned over then ayun!.... tok!.... my head bump over the glass that i was'nt really aware of. waaahhhh! tinitigan ako ng mga sales lady at buti nalang at wala masyadong customer.. pero na mula nalang ako sa hiya at umalis.
Situation #3
Late na ako nagising para pumunta sa isang lakad namin ng aking kaibigan. Alam kong sobrang late na ako at baka magalit pa ang aking kaibigan sa paghihintay. So, nagmadali na nga ako at pagdating ko sa meeting place namin ng aking kaibigan ay natawa nalang sya sa akin dahil ang zipper ng pants ko pala ay nakabukas... hay!
|
|
fergiepol
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
?Smack that!! 'till you get sore?
Posts: 1,390
|
Post by fergiepol on Feb 2, 2007 11:17:51 GMT 7
[glow=red,2,300]SABI ang kwentong BARBERO!! hehe[/glow]
STORY 1
nangyari toh ngaun lng bago ako umuwi ng bahay,, habang naglalakad ako sa walkway may malaking bord sign,, tingin ko kze dun babagsak na kya aun ung mismong ako na ang dadaan dun yumuko tlaga ako na parang tanga lng,, pati nga akew natwa sa sarili ko eh! hehe,, nagtaka ung mga tao bkit akew gumaganun,,wahahaha!!
STORY 2
ito naman ngyare nung 4thyr hyskul pa lng akew,, nung araw na yon kze sobra tlaga ang pag iisip ko ,, bago ako pumasok ng skul isip na ko ng isip dahil nga dun sa nagyare sa aso namen nagtatako kasi ako biglang namatay eh ganda pa neman ng lahi nyun,, ito na! habng umaakyat akew sa hagdanan sa skul wala pa din akew sa sarili ko hanngang sa nagkamali ako ng tapak at nadulas ako,, grabe tlaga ung araw na un,, hindi lng mga estudyante nakakakita sa pagkalglag ko pati adviser namen! huhu,,sobrang kakahiya!
STORY 3
ito na cguro ung masasabe kong nkakahiyang ngyare sa ken,, ganto kc un,, sa isang event sa skul nung hyskul ako,, ah aun foundation day pla un,, raming tao lahat busy sobra,, eh nsa stage akew nyun kya kitang ko kung gano sila ka busy sa mga ginagwa nila,, hehe.. ung stage kc namin na un may malaking cutrtain na ginamit bago mag activty,, may nag role play kc,, d nagtagal hindi pa ko nakontento at tlaga umupo pa tlaga ako sa pinkagitna ng stage kc kakatuwa sila panuorin,,haha,, para agaw atensyon din ako! lols,, gulat n lng ako biglang medyo dumilim ang taas maya maya nakita ko na lng babagsak na sa kin ung npakalaking kurtina eh ang laki nyun kya tlagang ngulat ako,, sa sorang kgustuhan ko mging agaw ng atensyon aun ngayre sa ken,, grabe nung una pa nga hindi akew mkatakas sa kurtina na yon,, haha,, hanggang naun pag naalala ko un,, tawa ako ng tawa! hehe
|
|
AL
Renter
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"'coz there's nothing 'bout you I would change..."
Posts: 537
|
Post by AL on Feb 2, 2007 15:44:35 GMT 7
Scene 1:
One of my most embarrassing moment just happened last year. That happened after office hours. Nangyari ito sa may locker. Uwian na. Habang naglalagay ako ng gamit ko sa locker eh dumulas iyong speaker sa kamay ko. Syempre nagulat ako. Ang initial reaction kong nasabi ay "Ay, **** (flower, ph care)." Ang nakakahiya pa noon, ang tanging kasama ko sa locker room ay ang officemate kong may pagka-manang. Syempre nagulat siya sa akin lalo na sa nasabi ko. Ang tangi nyang nasabi ay, "Alvin, hindi ko alam na ganyan ka pala!"
Syempre kahit na hindi ko nakikita ang sarili ko ay alam ko na mas mapula pa ako sa mansanas. Ang tangi ko na lang nasabi, "Sorry, ate, hindi ko sinasadya. Nagulat lang kasi ako." Sa sobrang hiya ko, minadali ko na ang paglalagay ng gamit ko at hindi ko na inayos at umalis na sabay hindi ulit ng sorry sa kanya.
Scene 2:
Noong nag-aaral pa ako sa college ay may uniform kami fron 1st to 3rd year. Pagtungtong namin ng 4th syempre wala nang uniform. Kanya-kanya nang pormahan yan. Since first day ng klase kelangan grand entrance ka. Maganda ang suot mo, mas fashionista mas maganda. Sinadya kong magpahuli ng pasok para grand entrance talaga. Bagong damit, ayos na ayos ang buhok, anino modelong rumarampa sa catwalk ang lakad. Syempre sa harap ako ng klase dumaan para mas mapansin. Hindi naman nagalit ang prof namin dahil nauna lang siya ng konti sa akin. Since grand entrance nga ang habol ko ay kailangan may konting angas ang dating. Pero kung kailan naman nasa pinakaharap na ako at papunta na sa upuan ko tsaka naman ako natapilok na kung hindi pa ako nakahawak sa table ng prof namin ay plakda talaga ako. Mukhang ang isang iyon ang kumumpleto ng grand entrance ko. Kung pwede nga lang talagang tumakbo na lang palabas ginawa ko na. Pero syempre nag-ala-Miriam Quiambao ako, taas-noong pumunta sa upuan pero butil-butil na ang pawis sa sobrang kahihiyan.
Scene 3:
Hindi ko alam pero pinatawag ako ng team leader namin. Syempre kabado ako. Hindi ko kasi alam ang reason. Pagpasok ko at pag-upo sa harap ng mesa niya tinanong nya ako, kung mahilig daw ba ako sa music. Mas nagtaka ako. Bakit naman nya ako tatanungin ng ganoon. Sabi ko, oo.
Sabi niya, "Gusto mo rin pala iyong Selfish ng *NSYNC. Ako rin gusto ko iyon eh." Sbi ko na lang, "Opo."
Hindi na ako nakatiis magtanong. "Paano n'yo po nalaman?"
May inabot siyang papel sa akin. Nung tingnan ko iyon iyong file na ginawa ko kahapon. Pagtingin ko sa bandang gitna nakita ko iyong lyrics ng Selfish na kinuha ko sa net. Mukhang hindi ko siya nabura noong hindi sinasadyang na-paste ko iyon sa file ko. Hindi ko pa naman ni-proofread iyong file ko na iyon. Tumingin na lang ako sa kanya at ngumiti kahit na ang gusto ko ay maglaho na nang mga sandaling iyon.
|
|
Zenpyre
Resident
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
"The human race is governed by its imagination"
Posts: 929
|
Post by Zenpyre on Feb 2, 2007 17:21:38 GMT 7
Situation 1: It happened this year. Monday, I woke up at 8:30 am and I was late for my moring klas. Nagmadali akong maligo, kumain, toothbrush, etc. pra prepare for school. I was abit rattled for tha fact na late na ako at diko gustong malate sa first klas ko in the morning coz every time late kami..dikami pinapapasok ng teacher namin at kong mayroon quiz..eh sorry nalang samin. Marami akong iniisip noon. One was that I have a project na kailangan konang i submit. Masakit rin katawan ko noon kaci grabeh ang practice namin ng sayaw for a dance copetition. So dimatino ang Isip ko at that time. I was gettingready to got o school. Exvited pa ako na araw na iyun kaci skol na..practice day nanaman. Suot kuna ang school uniform ko and I headed to school na. While comuting patungong school namin. I was watching the streets and pansin ko parang wala ata akong nakikitang mga school mates ko. Napa-isip ako na baka walang pasok. But I didnt mind what I was thinking at that time. Finally nasa school gate nako. Noong pag pasuk ko..I was very shoked. As in shoked. Nagtinginan ako sa paligid ng school namin only to find out that It was a study day. Officially there is no klas. But there were students in-line to pay for our tuition fee. I was so embarrased kaci ako lang sa lahat ng tao sa school ang nag uniform. WAAA..!!
Situation 2: I was in our CAFA building at that time (College of Architecture and Fine Arts). Marami ako iniisip. Asusual. Kapag nag-isip ako talagang malalim. Na palagi ang mata ko kay parang on a state of "trance". I was heading in our department sa finearts to pick up something. I was still thinking deep. But then suddenly, nang papasok ako sa door ng department, biglang nauntog ang ulo ko sa glass doors sa department. Only to find out na mali ang side ng door ang pinasukan ko...ang glass pla na dinabubuksan. Sobrang hiya konon buti nalang isa lang ang nakakita saakin. And It was a girl for our cheerdance team. Noong nakita nya ako sabi nya saakin " I saw that". Noon...sobrang hiya ko non.
Situation 3: This also happent during my first year sa school namin. Still sa CAFA building. Naghihintay kami w/ my klasmyts for our next klass sa canteen namin. I decided to have a drink sa fountain namin kaci madali akong mauhaw. Right in front of the fountain were architecture students. Some of them I know by name kaci dalawa sa kanila may crush saakin, dancer then cla but di pa ako kasali sa group nila sa Popjazz team..cheerdance pa ako noon, Nagkikita lang kami tuwing practices. Then..uminom na ako sa fountain namin..pansin ko nag tatawanan yung mga architectures students na nasa likod ko na. pag tingun ko sa kanila. Sinabihan ako ng yung may crush saakin na to read the note that was right next to the drinking fountain. It said there to not drink the water coz it is still not safe and they are cleaning it. Sobrang napahiya akong noong time na yun. Buti nalang di sumakit tyan ko.
|
|
|
Post by mikhailolalo on Feb 2, 2007 19:52:42 GMT 7
EMBARRASING MOMENT #1:
Sinuwerte si Mikhail M. Olalo at nakaasali sa Techono Quiz team para sa STEP. UY! Ako yun! Magkakaroon kami ng contest na kinakailangan ng computation gaya ng addition, subtraction, multiplication at division. Kinakailangan kong i-solve ang mga problems na may kinalaman sa prices at discounts kasi Business Management ang field na dapat kong sagutin. Kinakailangan kong magreview ng ilang beses para makasagot ako ng tama. pero may isang problema, d ko pa memoryado ang multiplication table lalo na kapag nasa 9 at 8 na. Hirap na hirap ako kapag nagrereview kami. Isang araw, tinanong ako ng aming guro kung ano ang sagot sa 7 times 8. Dahil napakabobo ko sa Math, d ko nasagot ng tama ang sagot niya. Sabi ko "52?" Tawa nang tawa ang lahat ng tao. Pati yung teacher ko.. GRRRRRR. Napahiya ako. Hindi ako nagsalita ng ilang oras dahil sa kahihiyan.
EMBARRASING MOMENT #2:
Nasa SM Davao ako nun kasama ang mama, papa, at kapatid ko. Isang oras na akong sumusunod sa mama at ate ko dahil nanood ng sine ang papa ko. Bored na bored ako nun dahil mga girly sections ang pinuntahan nila gaya ng blouses area, sapatos, sandals etc. Sinabihan ko nalang sila na iiwan ko muna sila dahil bibili lang ako ng blank CDs sa CD-R King. Pumayag sila pero sinabihin nila ako na dapat before 5:45 AM nasa Jollibee na ako para sa aming hapunan. Lumakad na ako patungo sa CD-R King na nasa 3rd floor ng mall. Nagdadalawang-isip ako kung bibili ba ako kasi maraming tao sa CD-R King. Kailangan pa ng priority number. Hinintay ko ng ilang minuto(mga 30 mins yata yun) ang turn ko. Sinabihan ko ang saleslady na bibili ako ng 20 CDs. 120 pesos ang dapat kong bayaran kasi 6 pesos ang bawat CD. Hinanap ko ang aking pitaka sa aking bulsa. Pero sa kasawiang pala, d ko ito nakita. Haaay. Ang bobo ko. Naiwan ko pala yun sa bag ng mama ko. Ilang beses akong humingi ng dispensa sa saleslady kasi di ko mabayaran yung amount na nasa resibo. D'i ko rin macontact yung mama ko kasi wala akong load nun. ang laman lang ng bulsa ko ay 10 pesos. Sabi ng saleslady, siya nalang daw ang bahala sa problema ko. Umalis ako sa CD-R na walang dalang CDs pero may hiyang dala palabas. Hiyang-hiya ako at halos mahimatay dahil sa aking naramdaman.
EMBARRASING MOMENT #3:
Nasa bahay ako ng aking pinsan . August 14, 2006. 16th birthday niya. Maraming nakahandang pagkain para sa amin. Punong-puno ang mesa ng kanin, lechon manok at baboy, kalderata, chopsuey atbp. Marami yun. Dahil may maraming pagkain, maraming pagkain ang nilagay ko sa aking plato. Napakalakas kong kumain sa gabing iyon. Nahihirapan akong lumakad patungo sa aking upuan dahil sa dala kong malabundok na plato. Nakadagdag pa ang maraming tao sa aking problema. Malapit ko na sana marating yung table ko, pero may isang pusa na biglang dumaan sa paa ko. BLAG! Nabitawan ko ang platong hawak ko. Punong-puno ng kanin ang sahig. WAAAA! Nagpapasalamat ako na nasa kamay ko pa rin yung basong may coke. lahat ng tao tumitingin sa akin. Tumahimik ang Birthday Party. Buti nalang may mga maid na naglinis nun. WAAA! Nakakahiya talaga! Humingi nalang ako ng fruit salad dahil nawalan na ako ng gana kumain.
|
|
|
Post by BBKuya Germs on Feb 3, 2007 2:36:36 GMT 7
Nizhrane, Stephanie, Fergie, Anne, Zenrick and Mikhail performed the activity. However, only Nizrhane followed the direction correctly. She and Mikhail completed the activity.
Gener, Ghein, Hector, Kim, Joel, Ron, Reuel, and Richard have no activity.
----- Stephanie, Fergie, Anne and Zenrick, private message (via PBBFG board) the correct answer.
Gener, Ghein, Hector, Kim, Ron, Reuel, and Richard, you have until Wednesday to complete this activity. Post here. Private mesage the correct answer.
|
|
|
Post by katrinaisabel on Feb 4, 2007 16:09:12 GMT 7
MOMENT #1 Isang araw sa school, may nangyari sa akin at sa crush ko na sobrang kilig. Hindi ko kasi mapaniwalaan yun kung kaya ako'y sobrang masayahin buong araw. May nakita akong babaeng nakatalikod na parang ang kambal ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang happening na yun so nilapitan ko siya. Hindi pa siya tumalikod ay bigla ko na lang sinabi ang lahat-lahat. Ayun, tumalikod na siya. Akala ko talaga kambal ko, hindi pala! Classmate ko pala na nakagusto din sa crush ko! Eh, wala pa namang nakakaalam na gusto ko pala ang guy! Kaya yun, buking na ako at alam na nilang lahat kung sino crush ko! Hayy.
MOMENT #2 Dahil sa ako'y sobrang masayahing tao, nagkaroon ako ng isang malakas na halakhak. Sa school, tinatawag nila itong "Dragon Laugh" kasi parang isang dragon na bumubuga ng apoy! Isang araw sa klase, may sinabi ang teacher namin na joke pero hindi naman nakakatuwa. Eh, nagdeal kasi kaming magkaklase na tatawa lang kami para hindi mapahiya si Sir. Nakalimutan ata nila ung pinagsabihan namin. Kaya, akong mag-isang tumawa ng malakas! Tinawanan ako pagkatapos ng mga kaklase ko. Pati yung ibang sections, nakarinig nang tawa ko!
MOMENT #3 Ito'y nangyari kamakailan lang. Nagkaroon kami ng dry run para sa cotillion sa prom namin. Nung part na ng section namin, sumigaw yung trainor namin ng, "tingnan niyo si Katrina, ang galing sumayaw". Ang saya ko naman nung narinig ko yun. Sa part nung nagmeet na kami ng mga partners namin, sinabihan ako ng partner kong "ba't namumuti ka? ahh, nakito mo yung crush mong tumitingin sayo noh?". Hindi ko naman alam na namumuti pala ako eh! Nawala yung concentration ko! Gumulo ang sayaw ko! What's worse, nung part na "dip" or yung dinadala nung boy ang girl sa Tango, na-out of balance pa ako. Nalaglag tuloy kami sa floor ng partner ko. Binawi ni Maam ung sinabi niya.
|
|
Kim
Bedspacer
[glow=blue,2,300]PBBFG5 VH[/glow]
Posts: 15
|
Post by Kim on Feb 4, 2007 19:32:26 GMT 7
Situation #1
Etong kwentong ito ay nangyari last year. Kasama ko ang mga kabarkada ko. Ang buong akala ko e magkakainan lang kami sa BIG DAD's (isang open bar and resto sa LBSquare). Sayang-saya ako sa pagkain ng sisig at kanin. Nang biglang may nagdatingang mga Red Horse. Ako'y nagtaka at para kanino kaya ang mga serbesang ito. Much to my surprise, e sa amin pala ang mga iyon. Pota! Hindi ako marunong uminom ng beer. So ayon, yosi lang ako ng yosi. Pilit sila ng pilit. E ayon. bumigay din ako. sumipsip ako ng kaunti. Nagustuhan ko ang lasa. Sarap. Swabe sa lalamunan. Kaso habang tumatagal e umiinit na ang pakiramdam ko at ihi na ako ng ihi. Hanggang sa kung anu ano na ang aking sinasabi at ingles ng ingles. At napagalaman kong lasing na pala ako. Siyempre kaylangan kong magenglish kasi may kasama kaming dalawang fil-am. Kaya ayon. Nakitulo0g nalang ako sa bahay ng kaklase ko. Pero ang ingay ingay ko daw. kaya hindi sila makatulog.
Ang naaalala ko na lang ay nagconfess ako na may galit ako sa barkada at binuhusan nila ako ng alcohol.
Tapos noong sunod na inuman. Tumanggi lang ako at hindi na uminom. Tila naumay na ako sa huli naming inuman. kaya ngayon kahit yosi ay hindi na ako gumagamit...
Ang embarassing moment doon e iyong nag-ingay ako sa jeep at sa bahay ng kaklase ko at ng napasuka ako sa may kalye.
CLUE!!! Sixteen lang ako...
Situation #2
Habang ako ay naglalakad sa isang kalye ako ay biglang sinita ng isang pulis at nilapitan. Hindi pa pala pwedeng tumawid. Nagpapasikat pa naman ako sa mga kasama ko. Akala ko susunod sila. Hindi pala. P***. Hinihingan ako ng 500 pesos. Kaso wala akong maibigay. Kaya nagpalipas muna ako sa prisinto hanggang dumating ang nanay ko. Ayon. Habang pauwi kami ay sigaw ng sigaw ang nanay ko. Nakakahiya. Ayoko ng alalahanin.
CLUE!!! Lunchbreak iyon ng enforcers...
Situation #3
Noong nagaaral pa ako sa Southill School Inc noong Third Year HS. May nakilala akong magandang dilag na nagngangalang Preston. Tila ang kanyang ganda ay kabighabighani. Kaya't agad agad niya akong naakit. Ilang buwan naligaw. At isang taon ang lumipas bago niya ako sagutin. Tanda ko pa iyong araw na iyon. pumunta pa ako sa bahay nila at may dalang Pansit na ipinaluto ko sa nanay ko. Pinakain ko sa kanyang mga magulang. Nang biglang Sumigaw ang kanyang tatay. Panis daw. P***. P*******. Agad akong humingi ng paumanhin. Nakalimutan ko na kailangan pala na hindi na mainit ang pansit bago balutin. E pagkahango kasi ay binalot ko. Shiyet. Kaya mula noon hindi na ako nagdadala ng pagkain sa kanila...
CLUE!!! 2003 lang ako ng HS...
***ANG mga clue ho ay pampagulo lang. para lang mapaisip kayo
|
|
|
Post by BBKuya Germs on Feb 8, 2007 2:29:15 GMT 7
From Nizrhane:
|
|
|
Post by BBKuya Germs on Feb 8, 2007 15:08:35 GMT 7
Al, Anne, Kim and Zenrick, private message (via PBBFG board) the correct answer.
Hector, Ron, and Richard you can still submit your embarrassing moments. PM the correct answer.
Complete: Stephanie, Fergie, Nizrhane, Mikhail
|
|
|
Post by BBKuya Germs on Feb 21, 2007 2:19:17 GMT 7
From Cyrill:
1
2
3
|
|
|
Post by BBKuya Germs on Feb 21, 2007 2:32:00 GMT 7
Stephanie, Fergie, Nizrhane, Mikhail and Cyrill: Can you tell which stories of your 4 co-VHs are true? Why?
Highest pointer gets 3 SP. PM your answer. (Unahan ito.)
|
|
|
Post by BBKuya Germs on Feb 27, 2007 17:06:49 GMT 7
From MikhailKay Ate Steph: Situation #3. Kasi kapani-paniwala. Palagi kasi natin nakakalimutan ang i-zip yung zipper. Kahit nga ako. fergie: STORY 2. Kasi yung story 1 at 3 ay may mga words na parang nageexagerate na sa scene. 'Yung story 2 lang ang believable. Al: Scene 3. kakaiba kasi. Kapani-paniwala lahat pero yung scene 3 lang ang tumatak sa isipan ko (LOL).. Zenpyre: Situation 3. Kasi simple lang. Hindi masyado verbose ang pagkagawa. Mas simple, mas believable. Cyrill: number 3 kasi parang yun lang ang posibleng mangyari sa tatlo. May mga hotel kasi namention kaya 'yun ang pinili ko. LOL. ala akong sense. Nizrhane: number 2 kasi maraming akong nabasa na mga experiences gaya ng sa number 2. kim: number 1 kasi nabasa ko sa blog niya noon na umiinom siya.. Haaay.. Ang hirap! From FergieUng aken siguro parang totoo ung story#1 ni ate steph kc nangyari na din sa kin yon pero isang beses pa lng po bigbad.. hehe From StephanieFERGIE--- STORY 3 NIZ--- STORY 3 MIKHAIL--- STORY 2 CYRILL--- STORY 3 I’m not really good with this part of choosing of which is true. All stories are quite convincing. I guess some got those stories through friends experience and not their own. But why I chose those stories… my basis is that it’s more of the realistic type of stories and more detailed. I guess. From NizrhaneMessage sent on Feb 21, 2007, 6:49am Kay Ate Steph: I think story number 3. It's somehow believable kasi. Story 2 is like taken from a movie...tas story 1 was is also believable but I feel that the 3rd one is the answer. Kay Ferg: hmmm the third situation is the one. the first one seldom happens though, unless you're a busy person...and yung 2nd one is almost believable na din. Kay Mik: 2nd situation is the right answer, methinks. Mik gave some atmospherics na talagang malalaman mo na totoo yun. (sana nga...) Kay Cyrill: Naku BBK, parang lahat eh...or Kuya Cy is just good at concealing it. Hmmm I think yung una po. I just had to feel every single one of 'em. Hoo boy... From CyrillDate: Friday, 23 February, 2007 12:49 AM bigbad pacnxa po talaga, medyo busy kasi ang schedule sa school.... i'll try to guess 'yung activity sa lie detector... i'll send my through friendster na lang kc, di ako makapasok sa proboards... stephanie... i guess yung fake don is situation 1 and 3... yung tunay is situation 2. fergie... fake 1 and 2 orig yung story 3 al... fake 1 and 2 orig scene 3. zenpyre... fake 2 and 3 orig yung situation 1 mikmik.... fake 1 and 3 orig yung embarrasing moment # 2 katrinaisabel.... fake 2 and 3 orig yung moment number 1 kim... fake 2 and 3 orig yung situation # 1
|
|
|
Post by BBKuya Germs on Feb 27, 2007 17:11:47 GMT 7
VH answer - point
Mikhail #1 - 0/4 Fergie #1 - 0/4 Stephanie #2 - 0/4 Nizrhane #1 - 1/4 (Feb 21, 2007, 6:49am) Cyrill #1 - 1/4 (Friday, 23 February, 2007 12:49 AM)
Nizrhane earned 3 SP. Congratulations.
|
|