|
Post by mikhailolalo on Jan 24, 2007 9:40:28 GMT 7
Hello. I am Mikhail Olalo.
Ang Super Superb Schoolboy ng Digos City. This is my Confessions Thread.
Magsisimula na ang Pinoy Big Brother Fantasy Game Season 5 ngayong January 28, 07..
|
|
|
Post by mikhailolalo on Feb 1, 2007 21:32:05 GMT 7
YEHEY!! Bibiniyagan ko na ang Confessions Thread ko. Kabadong-kabado ako ngayon kasi baka may violation ako sa mga maaari kong masabi sa post kong 'to.
Mag-iisang linggo na ang PBBFG5. Konting-konti pa lang ang nakausap ko. Siguro 'di pa nga umabot sa kalahati. 6-7 pa lang yata. Siguro sa mga susunod na araw, magkukrus din ang aming mga landas.. OL ako, OL din sila. Kailan kayo 'yun mangyayari? ABANGAN!
HAHAHAHAHA. Siguro may violation na akong nagawa... UMM... Kung meron na, ano kaya 'yun? WAAAA! Baka sa susunod na pagbisita ko sa forum na 'to, may post si BBK sa VIOLATION BULLETIN na may nagawa akong mali!!! WAAAAA.
Bukas ko nalang siguro gagawin 'yung Lie Detector Activity. Sleeping time na. ZZZZzzzz... Dapat pumunta na tayo sa bedroom.
TAYM TO ESLIP CO-VHS.. ZZZZzzzzz....
|
|
|
Post by mikhailolalo on Feb 9, 2007 17:30:53 GMT 7
Haaay... Kinakalawang na yata ang aking Confessions Thread! Nagagandahan pa naman sana ako sa title ng thread ko! Super Confessions of Super Mikmik! Nyakz! Tapos may karugtong pa - (Read 25 times). Ako lang ata ang nagbabasa ng mga confessions ko. So, minus 24 visits yun.. hahahahahaha! Pasuper-super pa ako, 2 nga lang ang entries ko! ROTFL.
Andami na palang nawalang VHs!! Halos lahat sa kanila d ko naka-usap o nakilala man lang. Kahit nga pangalan nila e di ko alam. Sana may maka-usap akong VH. Minsan online ako sa YM tuwing weekdays (mga 5:30-6:00), Sat (Morning - Afternoon kung kaya) at Sun (Afternoon). Konting-konti pa lang ang nakaka-usap ko. Baka pagdating ng isang buwan, si BBK at ilang VHs lang ang kilala ko. SUS! Napakawalang kwenta kong VH kapag ganun.
Parang 'di pag nagdadalawang-linggo, 5 na ang lumisan ng bahay. Baka bukas, ako na ang susunod! Wag naman sana.
Sayang na sayang at 'di ako nakasali sa Activity (connections).. Sayang!!
Sana magkaroon ng conference ang lahat ng VHs.. pati si BBK para masaya...
Ano pa ba sasabihin ko?? Wala na yata... BABAY.
|
|
|
Post by mikhailolalo on Feb 15, 2007 16:49:15 GMT 7
Haaaaay.. Nagtataka siguro kayo kung bakit nagpost ako. Parang wala yatang nakakakilala sa akin dito! hahaha.
Ngayong Friday na pala ang last day ng nominations. Sino kaya ang inonominate ko?? SECRET! Wala pa nga akong naiisip e. Konti pa lang kasi ang alam ko sa aking mga CO-VHS. Hindi pa talaga lubusan...
Gaya ng sinasabi ko sa aking mga nakaraaang confessions, d ko pa nakaka-usap ang lahat ng VH. Hanggang ngayon, masasabi ko pa rin iyon. Hindi na kasi ako palaging online. Sa isang linggo, mga 3 or 4 beses nalang ako online. Baka ako ang ma-nominate dahil 'di ako masyado nagpaparamdam sa bahay. Kung manominate ako, d na ako magtataka kung ano ang dahilan..
Sorry talaga. May mga priorities din kasi ako. Pero ginagawa ko naman ang lahat makapag-online lang at makasama ang aking mga CO-VHs..
Teka lang, parang wala yata akong nakachat na VH ngayong linggong 'to. Kung meron man parang isa lang. Haaay.... Babawi ako. Kailan? Baka next week. Kapag hindi na ako masyado busy sa school.
hanggang dito nalang siguro... dahil mag-iisip pa ako kung sino ang inonominate ko. BABAY!
|
|
|
Post by mikhailolalo on Feb 23, 2007 18:33:58 GMT 7
waaaa. Nagiging OP na ako sa mga usapin dito sa bahay. May nakakakilala pa kaya sa akin dito? Sana meron.. Kung meron may, si BBK lang siguro. Kawawa.
Kakatapos ko lang sumagot sa lie-detector test activity. Ang hirap nun! nahirapan talaga ako sa pagpili kung saan ang totoong embarrasing moment! Haaay. Pagkatapos nun, pumunta ako sa confessions at diary room. Kawawang Mikmik.. 3 lang ang confessions.. +1 ngaun, edi four na! LOL. Pero ang konti pa rin kung ihahambing sa ibang threads! Ang iba, umabot na sa 7!
nahihirapan na ako makisabay sa mga usapan. Hindi na kasi ako masyado updated sa mga happenings sa bahay. Sa loob ng isang linggo, isang post sa diary at confession thread lang ang nagagawa ko. Haaay.. KUNG aabot ako sa day 50, mahihirapan na yata akong magpost ng 2 entries; pero KAKAYANIN ko.
May nagquit pala. Si Richard...... Andami nang nagquit.. Haaay.. Sino kaya susunod? Sana wala na...
|
|
|
Post by mikhailolalo on Mar 3, 2007 9:57:16 GMT 7
Wala na.. Wala na.. Parang sa linggong ito, hindi umabot sa 15 post ang nagawa ko... Haaaay.. Nawawalan na talaga ako ng oras... Haaay.. Kailangan ko siguro i-adjust ang time ko. Para magawa ko ang lahat ng bagay na gusto kong gawin..
Katatapos ko lang magnominate... Malapit na eviction.. Sino kaya ang susunod na mawawala? WAAAAAAAAA! Isa-isa na kaming natatanggal.. Haaay. Parang kahapon lang nagsimula ang PBBFG.. Pero ngayon, ang layo na pala. Ang bilis talaga ng oras.
Baka bukas, Day 100 na! WAHAHA. Ang OA!
ANg konti lang ng posts ko dito sa forum. may 5 maliliit na stars nga lang ako. ANg ibang CO-VHs ko may isa o dalawa ng big stars. Kawawang Mikmik. Napag-iwanan na. Pero wala naman yan sa stars diba?!
|
|