|
Post by mikhailolalo on Jan 20, 2007 15:35:12 GMT 7
Hello. I am Mikhail Olalo.
Ang Super Superb Schoolboy ng Digos City. This is my Diary Thread.
Magsisimula na ang Pinoy Big Brother Fantasy Game Season 5 ngayong January 28, 07..
|
|
|
Post by mikhailolalo on Jan 29, 2007 17:44:19 GMT 7
wahahaha! Yehey! Nagsimula na ang PBBFG 5! eto pala yung first entry ko. Buena-mano. Aaminin ko, hindi ako magaling magsulat pero susubukan ko ang gumawa ng post na may sense. kasi kung babasahin ko ang mga entries ko lalo na sa blog, napakawalang kwenta. USELESS... Full of WRONG GRAMMARY. ;D Siguro nagtataka KAYO kung bakit hindi ako nag-iingles gaya ng ibang VHs. Hahahaha. Bakit? E kasi naman hindi ako masyado magaling. kahit nga sa tagalog, mali-mali pa rin. Kung pwede lang magbisaya dito sa forums, magbibisaya ako. pero marunong din naman ako mag-english kahit BisDak ako (Bisayang Dako). I am so better speaking in english, is I? hahaha. biro lang 'yun. hindi naman ako ganun ka bobo mag-english.. hanggang dito lang siguro.. eto yung mga gagawin ko ngayon: - gumawa ng assignment sa Social Studies (pwede din mangopya nalang) - magresearch sa web ng mga words para sa aming Statistics (Research II) - mag-aral ng Physics para sa quiz bukas (HUWWWAAAAAT? Nag-aaral ako... Minsan.) - magfriendster. ;D ('di yan mawawal ka pag OL ako.) babay! see you on my next post! PS: pasensya na sa mga wrong spelling at wrong grammar.
|
|
|
Post by mikhailolalo on Feb 4, 2007 16:57:38 GMT 7
Manny? tatakbo? Boxing nalang. Sunday, February 04, 2007 Pacquiao. Pacquiao. Alam ko na alam niyo na may plano siyang tumakbo para sa 2007 elections. Haaay. Ganyan na ba tayo kasama at paparusahan tayo ng Diyos ng ganito? Pati si Pacman patatakbuhin? Lahat na yata ng mga sikat na TV personalities ay pinipilit na maging politiko! Wala naman silang alam sa pagpapatakbo ng ating bansa. Balik tayo sa Pacman issue. Payag ba kayo? Ako, HINDI! Hanggang suntok lang yata ang kaya niya. Pero kung politics na ang pag-uusapan, walang siyang kaya. KO na KO. Sa tingin ko mas malala pa yata siya kay Arroyo. HAHAHA. [ Baka magalit ang mga Pacman fans sa akin dahil sa pinagsasabi kong 'to ] Kahit nga yung ina ni Manny 'di papayag sa pagtakbo ng kanyang anak. Kung gusto niya talaga na makatulong sa ating bayan, may ibang paraan naman. Haaaay. Pero kung gusto talaga ni Pacman, wala tayong maggagawa. Don't say we didn't warn you! Kung matutuloya man ang kanyang pagtakbo, sigurado nga dadami ang TV appearance niya dahil sa kanyang upcoming fight. Siya na naman ang pag-uusapan. Baka manalo siya?!? Huwag PLSSSS... Kahit hindi ako taga-General Santos City, ayaw na ayaw ko siya na maging politiko. KAYO? PAYAG BA KAYO SA KANYANG PAGTAKBO?
|
|
|
Post by mikhailolalo on Feb 8, 2007 15:25:02 GMT 7
Ako'y nabuhay muli.. Pagpasensyahan niyo na ako. Nawala ako ng ilang araw dahil sa:
1.) nilagnat ako na may halong ubo aka Lagbo 2.) Madaming gawain sa school. 3.) Mahina ang internet connection 44kbps
Binabalanse ko naman ang oras ko; pero, minsan talaga nawawalan na ako ng oras para mag-online. Once a week na nga lang ako nagbblog. Pasensya talaga. Kailangan ko kasi mag-aral, kasi malapit na ang graduation. Baka di ko matapos ang highschool.
Nilabas na pala ang list ng honor students sa school namin para sa third grading. Salamat at 'di ako nakasali. Napakalaking kahihiyan 'yun kung napabilang ako dun.. Bakit? Kasi minsan.. umm... palagi pala.. humihingi ako ng sagot sa katabi. Pero sa Social studies lang at Filipino lalo na pag El Fili ang topic. Kahit nga assignments, kinokopya ko! LOL. Ganyan ako ka pabaya. Pero gustong-gusto ka nang magbago. Pagdating sa kolehiyo, ibang Mikmik na ako.
Hanggang dito nalang siguro. Umabot ba 'to sa 100 words?? Hahahaha.
|
|
|
Post by mikhailolalo on Feb 15, 2007 16:31:18 GMT 7
Fevaruary 15 na ngayon. Kahapon, Feb 14, ay Valentines day. Malamig ang araw ng mga puso ko. Pati ang puso ko malamig. BWAHAHA. Andaming nagbigay ng bulaklak kahapon! WHEW! Kahit saan ako lumingon may bulaklak, hearts at kulay red.
Bukas na ang JS Prom namin. Kinakabahan ako dahil baka pagtawanan lang ako ng buong school. Sabi kasi ng mga juniors, tatawanan daw nila ang mga lalaking susuot ng tuxedo sa prom bukas. SUS! GRRR! Ang malas ko! Tuxedo with red long sleeves pa naman ang plano kong susuotin. HAHAHA.
Eto ang lista ng gagawin ko ngayong araw para wala na akong aalahanin bukas:
bumili ng black shoe cream para sa sapatos - TSEK! Tanggalan ng dumi ang sapatos - WALA PA! Bumili ng gel - TSEK! Maghanap ng sasakyan papuntang school bukas - WALA PA!
*Tinatamad akong tapusin ang nasimulan ko. LOL.
Ang hula ko magiging panget ang resulta ng prom bukas. Ewan ko kung bakit. WAAA! Bahala na si Superman at Batman. Sana gabayan ako ni Lord bukas at di ako magmukhang kahiya-hiya sa prom.
Lord, tulong po.... Please. Minsan lang po ang prom, pagbigyan niyo na ako... Huwag mo po ako ipahiya sa lahat ng tao.
SALAMAT.
-Mikmik
|
|
|
Post by mikhailolalo on Feb 23, 2007 18:14:27 GMT 7
Wow. Grabe! Masyadong hectic ang schedule ko! Parang artista *ehem*. LOL.
Andaming kong ginawa ngayong linggo dahil sa mga evil teachers ko na para ng mga demonyo na nakabihis uniform! Ang sama! Napakahirap ng buhay 4th year. Ilang araw nalang. 14 days yata. malapit na akong magtapos ng highschool. At last!
Haaay... Nakakapagod.
Mga evil subjects na nakakamatay:
MAPEH - kailangan naming sumayaw ng boogie, cha-cha at tango. * d ako marunong sumayaw. PHYSICS - araw-araw may assignment at quiz! ENGLISH - may interclass competition kami! kailangan magpractice para hindi mapahiya ang section namin! TLE - may 2 activities kami na kailangan ang drawing (patay! d pa naman ako marunong gumuhit!) RESEARCH - kailangan isubmit ang research paper this week!
*ilan lang yan sa mga subjects na nakakanose-bleed.
Dugo at pawis na ang buhay highschool... Ilang araw nalang ang buhay highschool... Paalam ang buhay highschool.. NYAKS! Ang corny!
|
|
|
Post by mikhailolalo on Mar 3, 2007 9:25:05 GMT 7
Ilang araw nalang.. tapos na ang high school life ko. At last! Papasok na ako sa kolehiyo! Pero bago mangyari yun, dapat ipapasa ko muna ang mga exams ko next week. Magsusunod ulit ako ng kilay para magkaroon ng mataas na marka...
Last week na ng lessons namin next week. Next Friday na ang final exams. Nakakapagod. Napakahirap. Di bale, basta may katabi ako na magbibigay ng sagot, OK na Ok na yun...
Buti nalang exempted ako sa MAPEH exams kasi nakapasok ako sa top 20 ng class.. Haaay salamat... Minus one subject.
==========
Hindi ko pa rin alam kung saan ako magkokolehiyo.. Sa UP Mindanao? Sa Ateneo de Davao? Sa Brokenshire College of Davao? Hindi ko alam ang sagot. Bahala na sila mama at papa kung saan nila ako pagpapa-aralin. Basta isa lang ang sigurado.... NURSING ang course ko.. ANg kurso ng bayan.. Haaaay. Baka pag nakatapos ako ng kolehiyo wala akong mapapasukan na trabaho..
|
|